Wednesday, May 9, 2007

Pagwawaldas ng PCSO ng pera ng Pinoy (ayon sa GMA-7 Reporter's Notebook)

Nuong nakaraang Martes ng gabi o magmi-mierkules na ng madaling araw,
Salamat sa Dios at napanuod ko yung Dokumentaryo ng GMA-7 na pagkatapos ng SAKSI.

Grabe pala ang pondo ng PCSO, umabot na sa 2 bilyong piso ang napupunta lamang sa pag-a-advertise nila ng kanilang sariling ahensya sa iba't-ibang estasyon ng t.v., radyo at pati sa mga dyaryo.
Tapos ipinakita rin sa programa yung mga kapwa nating humihingi ng tulong na halos araw-araw, lingo-linggong pinapabalik-balik ng PCSO.

Para sa kaalaman ng iba - ang PCSO (Philippine Charity Sweeptakes Office)
ay isang ahensya ng gobyerno na kumakalap ng pera sa pamamagitan ng mga tinatayaan ng ating mga kababayan na mga sweeptakes at lotto na karaniwang mapapanuod sa NBN-channel 4 ang pag-draw para sa mga mananalo.
Ngunit ang pinakapangunahing Layunin ng ahensyang ito ay ang makatulong (raw!)
sa mga nangangailangan ng tulong sa usaping Kalusugan (Medical) at iba pa.

Samantalang sa ipinakita ng Documentary kagabi sa GMA-7, ibinulgar dito kung papaano waldasin ng ahensya ang bilyon-bilyong piso na nakakalap nila sa pag-aadvertise lamang. sa kabila ng libo-libo naman nating mga kababayan ang lubhang nangangailangan ng pondo para maipagamot ang mga karamdaman ng mga kaanak o ng mismong kanilang sarili.
Halos maluha ako ng pinapanuod ko ito.

Ngunit Katawa-tawa yung sinabi nung isang kawani ng ahensya (pcso) na
"Hindi raw kasi sapat yung gumawa, kailangan daw kasi ay gumawa at ipakita yung ginawa..."